Aabot sa P20,000 ang maaring utangin ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) bilang calamity loan sa gitna ng enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.
Sinabi ni Fernan Nicolas, ang concurrent head ng SSS sa kanilang public affairs and special division, na maaring i-loan ang naturang halaga sa susunod na dalawang linggo.
Maari aniyang utangin ito ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan lamang ng paghahain ng application online.
Sa ngayon, sinabi ni Nicolas na tinatapos pa nilang i-program pa nila ang kanilang computer system dahil ito ang unang pagkakataon na binuksan nila ang calamity loan sa pamamagitan ng online facility.
Sinabi rin ni Nicolas na ang mga SSS members na may existing salary loan ay maari ring mag-avail ng calamity loan sa kondisyon na on tine nakakapagbayad ang miyembro ng kanulang SSS loan dues.
Bukod dito, maari pa rin aniyang mag-applu para sa salary loan ang kanilang mga miyembro kahit umiiral pa rin ang enhanced community quarantine sa pamamagitan nang pag-log in sa SSS.gov.ph.