Screenshot 2019 07 05 16 36 04
-- Advertisements --

Nailatag na raw ng Social Security System (SSS) ang mga plano na magbibigay tulong sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa nakalipas na mga buwan.

“With regards to the unemployment, the Social Security System is fully prepared to accept and fund unemployment benefits,” ani Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III.

Kamakailan nang lumabas ang report tungkol sa unemployment rate noong Abril na umabot sa 17.7-percent o katumbas ng 5-milyong Pilipino na walang trabaho.

Labis na mataas ito kumpara sa 2.3-milyong datos noong Abril ng nakaraang taon.

Ayon kay Dominguez, may proseso na maaaring applyan ang mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng social security unemployment insurance.

-- Advertisement --

“First of all, let me say that the unemployment figures, I believe, are temporary and they are not surprising.”

“This unemployment is temporary and as soon as we reopen the economy, I think demand will start picking up and people will be back to employment.”

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment na posibleng abutin ng 10-milyon trabaho ang mawawala dahil sa COVID-19.

Pero ayon kay Dominguez, naniniwala siya na babalik muli ang mga oportunidad kapag nalampasan na ng bansa ang kasalukuyang krisis ng pandemic.

“In the meantime, as I said, there is unemployment insurance that is available from the SSS.”

“It may not cover everyone, but as the economy opens, I think you will see more and more people who will be employed. It’s temporary, nothing structural with our economy.”