Magtatakda na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) sa asin at 3-in-1 coffee.

Sinabi ng DTI na ang pagtatakda ng SRP sa naturang mga bilihin ay makakatulong sa pamahalaan upang mapabagal ang inflation rate.

Ang SRP ay nagsisilbing gabay sa mga tindahan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto.

Ito rin ang siyang batayan ng pamahalaan para masabi na overpriced ang presyo ng isang produkto na ibinibenta sa mga pamilihan.