Nagsumite na ng kaniyang resignation letter si Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa.
Kinumpirma ni Sri Lankan parliamentary speaker Mahinda Yapa Abeywardenena matapos na matanggap ang sulat sa pamamagitan ng email.
Subalit sinabi nito na dapat ay mayroong hard copy ito para maging legally verified ang nasabing resignation letter.
Inaasahan na matatagalan pa bago matanggap ang paper copy ng resignation dahil sa lumayas na sa Sri Lanka ang kanilang pangulo.
Nasa batas kasi ng Sri Lanka na magiging epektibo lamang ang pag-alis ng pangulo kapag ito ay magsumite ng kaniyang resignation letter.
Magugunitang lumayas sa Sri Lanka si Rajapaksa matapos ang malawakang kilos protesta dahil sa krisis sa ekonomiya sa bansa.
Tumakas si Rajapaksa at nagtungo ito sa Maldives lulan ng military jet.
Matapos nito ay dumirtetso siya ng Singapore kung saan ayon sa mga opisyal doon ay bilang isang private visit.