-- Advertisements --
Naglagay na ng sundalo ang gobyerno ng Sri Lanka para bantayan ang mga gasolinahan.
Ito ay dahil sa maraming pumila sa mga gasolinahan dahil sa banta ng kakulangan ng suplay ng gasolina.
Ang nasabing bansa ay nagkukumahog ang ekonomiya dahil sa devaluation ng kanilang pera kaya humingi na sila ng tulong sa International Monetary Fund (IMF).
Dahil aniya sa mahabang pilahan sa mga gasolinahan ay mayroon ng dalawang may-edad na ang nasawi.