Mariing pinag-aaralan ngayon ng legal team ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang legalidad sa ikinakasang pagbebenta ng mga nasabat na puslit na asukal sa mga supermarket.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na isinasapinal pa rin ang ikinukunsiderang pagbebenta ng mga smuggled na asukal sa ilang mga piling supermarket.
Inihayag ni SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona na bago nila gawin ang nasabing hakbang ay kanila muna itong masusing pinag-aaralan.
Ang nasabing panukala ay nag-ugat sa naging pagboboluntaryo ng mga supermarket chains na maisama sa kanilang shelves ang nasabing produkto.
Sinabi ni Azcona, ang magiging set up ay parang sa Kadiwa ng Pangulo na kung saan ay may naka-display din ang ibang mga prdukto bukod sa asukal.










