Nagtala ng kasaysayan ang South Korean na drama na Squid Game sa Emmy award.
Ito ay matapos na tanghaling best male actor in a drama ang bida na si Lee Jung-jae.
Nagwagi rin si Hwang Dong-hyuk bilang best drama series director prize.
Dahil dito ay sila ang unang Asian star na nagwagi ng Emmy Award.
Napunta naman ang outstanding drama sa Succession at nagwagi si Ted Lasso bilang best comedy series sa ikalawang pagkakataon.
Nagwagi si Zendaya Maree Stoermer Coleman bilang best drama actress sa ikalawang pagkakataon dahil sa pagganap niya sa Euphoria.
Unang nagwagi ito sa nasabing kategorya noong 2020.
Itinuturing naman na big winner sa 74th Prime Time Emmy Awards ang White Lotus na nakakuha ng 10 award kabilang ang best limited series, best writing , best directing, best supporting actor para kay Murray Bartlett at best supporting actress sa pamamagitan ni Jennifer Coolidge.
Nagwagi naman sa unang pagkakataon ang singer na si Lizoo para sa best reality competition para sa “Watch Out for the Big Grrrls”.