-- Advertisements --

Binuksan kahapon ang spill gate ng tatlong dam sa Bulacan sa gitna ng pag-ulan na dulot ng low-pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay namonitor sa 213.05 meter kahapon, bahagyang mas mababa sa elevation noong Biyernes na 213.09 meter.

Naglabas din ng tubig mula sa Ipo Dam matapos umabot sa 100.74 meters ang elevation nito, mas mababa sa isang metro sa spilling level nito na 101 meters.

Ang lebel ng tubig sa Bustos Dam, sa kabilang banda, ay mas mataas ng .20 meter kaysa sa kritikal nitong antas na 15 meter.

Sinabi ng PDRRMO na ang Gates 1 at 2 ng Angat Dam ay binuksan ng 0.5 meter at nagpakawala ng 75 cubic meter per second (cms) ng tubig.

Ang discharged water ay dumaloy sa Ipo Dam, na nagpalabas naman ng 85.20 cms na tubig.

Ang Sluice Gate 3 ng Bustos Dam, na tumanggap ng labis na tubig ng Ipo Dam, ay binuksan at pinalabas ang 10 cm na tubig sa downstream river system nito.

Hindi makapag-imbak ang Bustos Dam ng labis na tubig na inilabas mula sa Angat Dam dahil nire-rehabilitate ang Rubber Gate No. 5 nito.

Ayon kay Josephine Salazar, National Irrigation Administration-Central Luzon director, na dapat tapusin ang mga rehabilitasyon bago matapos ang taon.

Ang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam ay dumating kahit na hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa National Water Resources Board na payagan ang lebel ng tubig sa reservoir na umabot sa 214 meter upang magbigay ng dagdag na buffer para sa mga operasyon nito.