-- Advertisements --

Plano ni Errol Spence Jr. na pabagsakin si Terrence Crawford sa kanilang nakatakdang laban sa Hulyo 29.

Batay sa naging statement ng kampo ni Spence Jr, nais niyang paulanan ng suntok ang 36-anyos na si Crawford, sa kanilang paghaharap.

Pagmamalaki ng boksingero, mas makabubuti para kay Crawford na ma-knock out sa kanilang laban kaysa magtamo ito ng maraming suntok, katulad ng mga pinapakawalan nito sa mga nakalipas niyang laban.

Si Spence ay kasalukuyang may record na 28 – 0. Dalawampu’t dalawa sa kanyang mga naipanalo ay pawang mga knockout.

Sa kasalukuyan, hawak nito ang WBA Super World Welterweight belt, kasama ang WBC World Welterweight belt, at IBF World Welterweight.

Samantala, hawak naman ni Crawford ang 39 – 0 record sa loob ng 14 years nito sa professional boxing.

Nakatakdang magharap sina Crawford at Spence Jr sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Sa kasalukuyan, maraming boxing analysts at fans ang pumapabor at naniniwalang magwawagi si Crawford sa magiging tapatan ng dalawa.