In-activate ang isang Speacial Task Group kasabay ng nakatakdang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado ngayong Lunes, Hulyo 6.
Naatasan ang task group na pangasiwaan ang police operations bago, sa kasagsagan at matapos ang impeachment proceedings.
Epektibo nga nitong hapon ng Linggo, inilagay na sa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO), ayon kay NCRPO spokesperson Major Hazel Asilo.
Nagpakalat na din ang Philippine National Police ng kabuuang 3,250 police personnel sa premises ng Senado.
Nagdeploy din ng kabuuang 3,250 police officers sa mga pangunahing lugar sa paligid ng Senado habang kabuuang 2,900 Civil Disturbance Management personnel ang nananatiling naka-standby para sa agarang augmentation sakaling kailanganin.
Ang mga ito ay itinalaga sa norte, harap at timog na bahagi ng J.W Diokno Boulevard para mapanatili ang kaayusan, ma-asistehan ang mga motorista at pedetrians at matiyak ang tuluy-tuloy na daloy ng mga lehitimong aktibidad.
Nag-install na rin ang kapulisan ng karagdagang CCTV cameras sa mga estratehikong lugar.















