Inihain na ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda ang panukalang batas na magbibigay ng “special powers” kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Salceda, ang panukalang ito ay naglalayong mapabilis ang roll out ng nasa 75 flagship projects sa ilalim ng Build, Build, Build (BBB) program ng Duterte administration.
Sa paghahain niya ng House Bill 5456 o ang Flagship Emergency Act of 2019, sinabi ni Salceda na target ng panukala niyang ito na makompleto ang ang mga proyekto niyang ito bago o pagsapit ng 2022.
Mas papadaliin kasi aniya ang procurement process at pagpasok sa kontrata ng pamahalaan, gayundin ang pagsasa-ayos ng right of ways ng mga daanan.
Sinabi ni Salceda na karamihan sa mga proyektong ito ay popondohan ng General Appropriations Act.