ILOILO CITY – Matagumpay na nabuko ng pulisya ang talamak na bentahan ng shabu ng mga commercial sex worker sa Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Chen Tañagras, hepe ng Arevalo Police Station, inamin nito na labis na naapektuhan talaga ng pandemya ang mga commercial sex worker sa lungsod.
Ayon kay Tañagras, nahuli nila ang sex worker na nagngangalang Jellie Anne Palomita, 20-anyos ng Barangay San Pedro Jaro, Iloilo City, sa isinagawang drug buy bust operation sa loob mismo ng lodging house.
Inamin mismo ng babae na “special offer” nila ang sex at shabu kung saan hindi lang sa kanilang mga kustomer binebenta ang iligal na droga, kundi sa mga kapwa mismo sex worker.
Sa ngayon, patuloy pa na tinutunton ang “upline” sa shabu trade ng mga sex worker sa Iloilo City.