Itinutulak ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na nagsusulong sa karapatang pantao.
Nangako si Speaker Lord Allan Velasco na kanyang isusulong ang mga panukalang batas na ito kasabay nang paggunita sa Human Rights Consciousness Week mula Disyembre 4 hanggang 10.
“We gather together every year to mark Human Rights Week because we believe that there can be no lasting prosperity without respect for human rights,” ani Velasco.
Kabilang sa mga panukalang batas na ito ang Right to Adequate Food Bill na kumikilala sa karapatan ng publiko para sa pagkakaroon ng sapat na pagkain.
Ang Anti-Ethnic, Racial and Religious Discrimination Act naman ay naglalayon naman sa pagtatag ng Non-Discrimination and Equal Opportunity Committee sa mga ahensya, kompanya at educational institutions.