-- Advertisements --

Nabakunahan na kontra COVID-19 si House Speaker Lord Allan Velasco.

Base ito sa ipinakitang litrato ng House of Representatives sa kanilang Twitter account.

Napag-alaman na binakunahan si Velasco sa House Vaccination Center mismo.

Base sa impormasyon na ibinahagi ng staff ni Velasco, ang bakunang gawa ng Sinovac ang itinurok sa lider ng Kamara.

Samantala, sinabi ni Velasco na mahalaga para sa lahat ng mga miyembro at empleyado ng Kamara na makapagpabakuna na upang sa gayon ay patuloy na umiikot ang kanilang legislative mill at para na rin maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa virus.

Mayo 10 nang nagsimula ang vaccination drive sa Kamara.