-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tuloy pa rin ang trabaho sa Kamara kahit naka recess ngayon ang Kongreso.

Bago mag adjourn kagabi, binigyan ng otorisasyon ni Speaker Romualdez ang lahat ng standing at special committees na maaaring magsagawa pa rin ng pagdinig kahit nasa congresssional break ngayon ang Kamara.

Ayon kay Speaker, simula nang mag-umpisa ang 19th Congress, malinaw na ang kanilang misyon – ito ay ang i-angat ang ekonomiya ng bansa na lubos na naapektuhan ng COVID pandemic at gamitin ang pag-unlad ng ekonomiya para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Aniya, para mabilis makamit ang mithiing ito, hindi sila nag-aaksya ng panahon sa Kongreso nang sa gayon ay maipasa ang mga batas na kakailanganin.

Ito ang nagtulak para hilingin sa plenaryo na pahintulutan ang mga Komite ng House of Representatives na ituloy ang kanilang mga hearings at meetings kahit na nasa break ang Kongreso mula September 29, 2022 hanggang November 06, 2022.

Siniguro ni Romyaldez tuloy ang kanilang trabaho, may sesyon man o wala, para sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang nag mosyon na payagan ang lahat ng panels na ipagpatuloy ang kanilang mandato na makapagbuo ng mga makabuluhang batas.

Ipinagmalaki din ni Speaker Romualdez ang mga naging accomplishments ng House of Representatives sa unang 23
session days ng 19th Congress na nagsimula nuong July 25.

Sa ngayon nasa 20 resolutions ang na-adopt ng Kamara, 37 measures ang inaprubhan sa third reading, 11 bills approved sa second reading at 63 committee reports ang nailabas.