-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tutulong ang Kongreso para mapalakas pa ang PHL-US partnership.

Ginawa ni Speaker ang pahayag sa kaniyang naging talumpati sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang relasyon ngayon ng Pilipinas at Amerika ay nananatiling malakas, matatag ang military alliance at maging ang economic relations ng dalawang bansa.

Binigyang diin ni Speaker na ang Philippine Congress sa ilalim ng kanilang mandato ay naglatag ng legal framework kung saan lalo pang lumawak ang partnership ng Pilipinas at Amerika na naaayon sa interest ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Binanggit din ni Romualdez ang panukalang inaprubahan ng Kamara na nagpapalawak sa RP-US Economic Partnership na layong mapalago din ang ekonomiya ng Pilipinas at maging viable investment destination.

Ipinunto din ni Speaker sa kaniyang talumpati ang isinusulong na House constitutional reform initiative na layong amyendahan ang economic provisions ng 1987 constitution ng sa gayon mabigyan ng flexibility sa pagbuo ng mga economic policies partikular sa ownership ng foreign investor sa ilang sektor ng ekonomiya.

” We continue to work together to grapple with traditional and emerging threats to our mutual peace and security. We continue to be partners in addressing the persistent challenges to our economic growth and development,” pahayag ni Speaker Romualdez.