-- Advertisements --
Muling itinalaga si House Speaker Martin Romualdez bilang caretaker ng Negros Oriental 3rd district.
Ito ay habang wala pang nahalal na bagong representative ang nasabing lugar.
Kung maalala pinatalsik sa pwesto ng House of Representatives ang dating mambabatas na si Arnolfo Teves Jr. dahil sa patuloy na pagliban nito at paglabag sa Code of Conduct ng Kamara de Representantes.
Matapos patalsikin si Teves bilang house member, agad itong ipinaalam ng Kamara sa Commission on Election (Comelec) ang bakanteng posisyon at humiling na magkaroon ng special elections.
Agad namang tumugon ang Comelece at sinabing sa December 9,2023 itatakda ang special elections sa Negros Oriental.