-- Advertisements --

Isinusulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapanatili ng itsura ng tradisyonal na jeepney ng bansa.

Ayon kay Speaker ang jeepnet ay simbulo ng ating bansa kaya hindi ito dapat mawala.

Suportado ni Romualdez ang pag preserve sa nasabing iconic jeepney.

Kahapon Hiniling ng mga driver na makausap si Speaker Romualdez upang maiparating ang kanilang hinaing kaugnay ng implementasyon ng PUV Modernization Program.

Nangako rin si Speaker Romualdez na tutulungan ang mga driver gamit ang mga programa ng gobyerno upang maibsan ang kanilang paghihirap.

Siniguro din ni Speaker Romualdez na magtatrabaho ang Kamara para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Ayokong mawala ang imahe ng ating jeepney…Lahat naman tayo, mahal naman natin ang ating mga jeepney, ‘yan talaga ang imahe talaga ng ating Pilipinong (kultura). Maski saan sa kantang ‘Manila’ ‘di ba, ang mga jeepney, sa mga kanta, basta mga jeepney ng mga Pilipino,” dagdag pa ni Romualdez.