-- Advertisements --

Dinipensa ni House Speaker Martin Romualdez ang isinagawang “sotf-launching” sa sovereign Wealth Fund sa World Economic Forum na ginanap sa Davoz, Switzerland at hindi ito maituturing na pre-mature.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, naipasa naman na kasi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para dito habang sa Senado, mayroon na ring panukala ang naihain.

Payo niya sa mga kapwa niya mambabatas sa Senado na nananatiling mayroong reserbasyon sa pagkakaroon ng investment fund ng bansa, mainam kung basahin at pag-aralang maigi ang panukala.

Ang mga Pilipino aniya, hindi na makapaghihintay pa, at kailangan nang gumawa ng aksyon upang mapababa ang presyo ng kuryente, langis, at enerhiya.

Binigyang diin din ng mambabatas na kailangan nang magpatupad ng developmental projects ang pamahalaan at wala na dapat oras ang naaaksaya pa.

Hindi rin maituturing na pre-mature ang ginawang soft-launching ng pamahalaan sa Sovereign Wealth Fund sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.