Abala si House Speaker Martin Romualdez sa paglalatag ng batayan kaugnay sa nalalapit na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan magkakaroon pulong kay US Pres. Joe Biden at sa ilang top US officials.
Kumpiyansa si Speaker Romualdez na magiging makabuluhan at magbubunga ng maganda ang pag-uusap nina Pang. Marcos Pres. Joe Biden.
“I think the conditions are right for the meeting between President Bongbong Marcos and President Joe Biden. We have high hopes for the exchange of ideas between the two leaders and its outcome,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Nakatakdang umalis ng bansa si Pangulong Marcos sa April 30, 2023.
Matapos ang biyahe ng Pangulo sa Washington DC, dadalo ang Pangulo sa coronation ni King Charles III sa London sa May 6 at bibiyahe ito patungong Indonesia para sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na nakatakda sa May 9 to 11.
Kung maalala tinalakay na ni Speaker Romualdez sa mga Amerikanong lawmakers kaugnay sa enhancement of defense and security cooperation, at maging ang economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Una ng nakipag pulong si Speaker Romuladez sa kaniyang US counterpart na si Speaker Kevin McCarthy, kabilang sina US House Majority Leader Steve Scalise, at Representatives Young Kim, Mike Rogers, Darrell Issa, Ami Bera, at Chris Stewart.
Inihayag ni Speaker na naging mabunga ang kaniyang pulong sa mga US lawmakers.
Magugunita na nakiisa si Speaker sa economic team ng Pilipinas sa isinagawang economic briefing sa Washington DC para manghikayat ng mga foreign investors para mamuhunan sa bansa.
Binigyang-diin ni Speaker na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika ay nananatiling matatag.