-- Advertisements --
Pormal ng naghain ng rekamo sa korte si Spanish football star Jenni Hermoso laban kay Spanish football federation president Luis Rubiales.
May kaugnayan ito sa biglaang paghalik niya ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens’ World Cup.
Dahil dito ay maaring maharap sa kasong kriminal ang 46-anyos na si Rubiales.
Ipinagtanggol ni Rubiales na bago gawin ang paghalik ay nagpaalam pa ito sa nasabing player.
Subalit mariing pinabulaanan ito ni Hermoso at sinabing nabigla siya at wala itong alam.
Una ng pinatawan ng FIFA ng provisional suspension si Rubiales dahil sa ginawa nito.