-- Advertisements --

Nakapagtala ang womens football team ng Spain matapos talunin ang Sweden 2-1 sa kanilang paghaharap sa semifinals ng FIFA Women’s World Cup na ginanap sa New Zealand.

Ito ang unang pagkakataon na makapasok sa finals ang FIFA World Cup ang Spain.

Unang nakapagtala ng goal si Salma Paralluelo sa Spain sa loob ng 81st minute pero hindi bumigay ang Sweden at nakapasok ang goal ni Rebecka Blomqvist para maitabla sa 1-1 ang laro sa loob ng 88th minute.

Sa pagpasok ng extra time ay naipasok agad ni Olga Carmona ang goal sa 94 segundo para tuluyang madala ang Spain sa panalo.

Susunod na makakaharap ng Spain sa finals ay ang sinumang manalo sa pagitan ng Australia o England.

Bumuhos naman ang pagbati sa Spain kung saan nanguna ang Hollywood actor na si Antonio Bandera na bumati sa Spain.