-- Advertisements --
Naging matagumpay ang ginawang paglalakad ng dalawang astronaut sa labas ng International Space Station (ISS).
Umabot ng pitong oras ang ginawang paglalakad ng mga NASA astronauts na sina Josh Cassada at Frank Rubio.
Nakasuot si Cassada ng spacesuit na may pulang stripes bilang extravehicular crew member 1 habang si Rubio ay nakasuot ng hindi markadong suit bilang extravehicular crew member 2.
Itatayo ng dalawang NASA astronaut ng mounting bracket sa starboard side ng truss ng space station.
Ang nasabing gamit na ikinabit ng dalawa ay naideliver pa noong Nobyembre 9.
Muling magsasagawa ng spacewalks ang dalawa sa darating na Nobyembre 28 at Disyembre 1.