Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na isa sa pinakamalaking hamon sa paghahanda para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay ang logistics dahil sa limitadong espasyo umano ng Senado.
Ayon kay Gatchalian, maliit lamang ang gusali ng Senado at parehong humihiling ang panig ng House prosecution panel at defense team ng kani-kanilang sariling holding o huddle room, media room at silid para sa mga staff. Gayudin ang mga pangangailangan ng mga senador bilang hukom sa paglilitis.
Dahil rito inaasahan umano na magiging masisikip at magiging hamon ang paggalaw ng tao sa isasagawang paglilitis sa bise Presidente. Ipinunto din ng Senate President ang pangangailangan ng pagtutok sa seguridad lalo pa’t magiging bukas ito sa publiko.
Kasunod nito, sinabi ni Gatchalian na una na silang nakipagpulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Nationalge Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at maging sa lokal na pamahalan ng lungsod ng Pasay, upang tiyakin na handa ang lahat para sa impeachment proceedings.
Bukod pa rito nilinaw rin niya na mayroon nang mahigit 20 miyembro ng Philippine Marines na naka deploy sa Senado kaya’t mahalga aniya ang koordinasyon sa lahat ng sangkot na ahensya.
Papagpapaliwanag ng Senate President, kilala at mataas na opsiyal ng gobyerno si Duterte kaya’t kinakailangang matiyak na sapat ang seguridad sa buong proseso ng paglilitis. Lalo pa’t may mga banta din laban sa institusyon.
Samantala, wala naman umanong tiyak na numero kung ilan ang magagastos na pondo sa magiging Impeachment trial ng bise, ngunit tiniyak naman ni Gatchalian na magiging minimal lang ito sapagkat sa senado lang naman ito isasagawa, tanging ang madagdag lang umano sa gastos ay ang dagdag seguridad upang masgiro na ligtas ang proses ng paglilitis kay Duterte.















