-- Advertisements --

Nagkansela ng klase at flights ang bansang South Korea dahil sa banta ng bagyong Hinnamor na dati ang pangalan ay “Henry” matapos dumaan sa Pilipinas.

Kasabay nito, ilang mga negosyo ay nagsuspinde rin.

Ang bagyo ay inaasahang isa sa pinakamalakas na magbabadya sa bansa at tatama sa southeastern Busan, pangalawa sa pinakamalaking siyudad sa South Korea.

Ayon naman kay Pangulong Yoon Suk-yeol, siya ay nakaantabay, isang araw pagkatapos utusan ang mga otoridad na gawin ang lahat ng pagsisikap at maiwasan ang pinsala ng bagyo na tinawag bilang “napakalakas,” sa antas sa bansang South Korea. (with report Bombo John Carlo Galvez)