-- Advertisements --

Nagpakawala ng warning shots ang South Korea matapos na pumasok sa airspace nito ang drone ng North Korea.

Ayon sa joint chiefs of staff ng South Korea, ilang unmanned North Korean drones ang pumasok sa inter-korean border na nadetect sa teritoryo ng South Korea sa western city ng gimpo nitong lunes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng incursion o panghihimasok ng north korean drones sa airspace ng south simula noong 2017.

Ang naturang insidente ay tatlong araw matapos na sabihin ng South Korea na naglunsad ang North Korea ng 2 short-range ballistic missiles sa panibagong weapons test nito.