-- Advertisements --
SEOUL, South Korea – Puspusan ngayon ang hakbang ng mga health officials sa South Korea upang mapigilan ang pagkalat ng second wave ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Dahil sa naturang development, tinatayang magtatagal pa hanggang sa mga susunod na buwan ang umiiral na pandemic.
Ayon sa head ng Korea Centers for Disease Control (KCDC) na si Jung Eun-kyeong, may mga ginagawa na silang monitoring para matutukan ang pagtugon sa problema.
Pero inamin ng ilang opisyal na ang first wave ay hindi pa talaga ganap na napahinto, habang ang second wave ay nanggaling sa mga lugar na dating clear na sa deadly virus. (BBC)










