
Nakatakdang dumating sa Pilipinas sa araw ng Lunes, Marso 27 ang Republic of Korea Coast Guard (KCG) personnel para tumulong sa nagpapatuloy na oil spill operations sa Oriental Mindoro..
Ayon kay Rear Adm. Armando Balilo, tagapagsalita ng PCG na ang technical experts mula sa KCG ay susuporta sa pag-contain ng oil spill kaakibat ng pangako ng gobyerno ng Korea na magbibigay ito ng response equipment gaya ng 20 tonelada ng sorbet pads at snares, 1000 metro ng flotation curtain boom at 2000 sets ng personal protective equipment (PPEs).
Maliban dito, inihayag din ng Coast Guard chief na tinalakay na din ng US Coast Guard sa kanila ang availability ng kanilang remotely operated vehicle (ROV) o underwater robot na may kapasidad na masala ang tumagas na langis mula sa MT princess empress.
Humahanap na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng remotely operated vehicle na may kaparehong kapasidad.
Ipinaliwanag ni Balilo na ang ROV Hakuyo na isang underwater robot na dinala ng Jpanese dynamic positioning vessel na Shin Nichi Maru na kinontrata ng MT Princess Em,press na pagmamay-ari ng RDC Reield Marine Services Inc ay walang kapasidad na ma-drain ang langis at maselyuhan ang leaks dahil para lamang ito sa pag-survey ng vessel.
Sa ngayon, hanggat hidni pa nakakakuha ng upgraded na remotely operated vehicle , ang magagawa ng PCG sa ngayon ay ang linisin ang tumagas na langis.










