Inakusahan ng South Africa sa United Nations ang Israel ng genocide dahil sa giyera nito sa Gaza.
Sa unang dalawang pagdinig sa International Court, hinikayat ng South Africa ang UN na ipag-utos ang agarang pagtigil sa Israel sa paglaban nito sa Hamas.
Dagdag pa nito na ang mga ground at air assaults ng Israel sa Gaza ay naglalayon na sirain ang malaking populasyon ng Palestino sa Gaza.
Dahil sa nasabing mga ginagawa ng Israel ay malinaw na ito ay isang uri ng genocide.
Sinabi ni Vaughan Lowe isa sa mga abogado na nagrerepresenta ng South Africa na malinaw na hindi na akma ang ginagawang hakbang ng Israel sa Gaza.
Magugunitang mula ng lusubin ng Hamas ang Israel noong Oktubre 7 ay pinaigting ng Israel ang military actions nito sa Gaza na nagresulta sa pagkadamay ng maraming sibilyan sa lugar.










