-- Advertisements --
SongSong couple 2
IMAGE | Scene from “Descendants of the Sun”

Opisyal ng hiwalay ang tinaguriang “SongSong Couple” ng South Korea matapos aprubahan ng korte ang divorce settlement ng aktor at aktres na sina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo.

Batay sa ulat ng The Korean Times, nakasaad na sumailalim sa isang close-door hearing ang kaso ng ngayo’y ex-husband and wife na kapwa hindi rin dumalo sa pagdinig.

Hindi na idinetalye ng pahayagan ang nilalaman ng divorce settlement ng dalawa.

Kung maaalala, umugong ang balitang hiwalayan ng sikat na Korean drama actors dahil umano sa “irreconcilable differences.”

Kinumpirma rin ito ng talent agency ng aktres.

Nakilala ang dalawa nang magtambal bilang lead characters sa Korean drama series na “Descendants of the Sun” noong 2017.(The Korean Times)