Ipinatitiyak sa Department of Energy (DOE) ang tuloy-tuloy na supply ng kuryente sa panahon na ilunsad na ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program nito.
Sa ilalim ng House Resolution No. 1527 na inihain ni Social Services Committee chairman Alfred Vargez, inaatasan ang committee on energy na magsagawa ng imbestigasyon para tukuyin ang mga hakbang na kailangan gawin ng DOE at iba pang concerned agencies mara matiyak na walang power interruptions sa incolutation ng COVID-19 vaccines.
Binigyan diin ni Vargas ang kahalagahan ng stable na power supply lalo pa at inaasahang darating sa Pilipinas ang malaking batches ng bakuna mula United States sa peak mismo ng electricity consumption sa Mayo.
Nababahala si Vargas na maapektuhan ang viability at efficacy ng COVID-19 vaccines sa mga cold-storage facilities, at kalaunan ay masayan lamang, kapag magkaroon ng power interruption.
Sa hiwalay na statement, pinayuhan naman ni Vargas ang mga local government units (LGUs) na tiyakin na mayroong available na generators at contingency plans sa paggulong ng COVID-19 vaccination program.