-- Advertisements --
Nakapagbenta ng mahigit 1 million copies ng kaniyang solo album si BTS member Jimin.
Ang nasabing bilang ay naitala isang araw lamang matapos na ilabas ang album nito na “Face”.
Itinuturing na ito ang panibagong record sa isang solo musician sa kasaysayan ng K-pop.
Nanguna rin ang album sa daily album ranking ng Oricon at top albums chart ng ITunes sa 63 rehiyon.