Ngayon pa lamang ay inilatag na ng Argentinian businessman na si Nico Bolzico ang mga polisiya nito para sa mga magiging manliligaw daw ng baby girl nila ng celebrity wife na si Solenn Heusaff.
Ito’y kasunod ng anunsyo ng mag-asawa na babae ang kanilang magiging panganay.
“We are having a baby girl! We were not supposed to reveal the gender until she is born, but since she is a girl, I decided to raise this topic now because there are some warnings that must be spoken to the world,” ani Bolzico.
Mahigit sa tatlong stage ang binanggit ng 34-year-old businessman sa kanyang IG account, bago raw pumasa ang nais maging lover ng kanilang anak ni Solenn.
Dagdag nito, “nobody is good enough for my girl, I might be wrong, but nobody will make me change my mind.”
Noong nakaraang buwan nang kanilang ianunsyo na apat na buwan nang nagdadalang-tao si Heusaff, tatlong taon matapos ikasal noong 2016 sa France.