-- Advertisements --

Makikita sa ilang bahagi ng bansa ang magaganap na solar eclipse.
Pero ayon sa mga eksperto, hindi lamang ito simpleng eclipse dahil itinuturing itong hybrid na isang rare event.
Sa ilang lugar kasi ay total eclipse ito, habang sa Pilipinas at mga karatig na lugar ay partial lamang.
Ang solar eclipse ay nangyayari kapag natatakpan ng buwan ang sikat ng araw at lumilikha ng anino.
Habang nakikita naman ito sa ilang saglit na parang sing-sing dahil sa nalilikhang liwanag sa gilid ng araw na hindi na saklaw ng pagtatakip ng buwan.
Payo ng mga eksperto, iwasang direktang tingnan ang solar eclipse at sa halip ay gumamit ng ultra violet device para makaiwas sa pagkasira ng mata.










