-- Advertisements --
Plano ng South Korea SK Bioscience na palawakin pa ang production capacity ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng pag-i-invest ng 150 billion won o katumbas ng $132 million sa taong 2024.
Gayundin sa paglinang sa mga planta para makagawa ng bagong mRNA at viral vector vaccine.
Ayon sa vaccine maker, lumagda ito sa isang kasunduan sa gobyerno ng North Gyeongsang province at Andong City malapit sa Seoul para sa pagbili ng bagong lupa para sa expansion ng mga planta.
Ang planta nito sa may Andong City ay gumagawa ng COVID vaccines na dinivelop ng AstraZeneca at Novavax. (with reports from Bombo Everly Rico)










