-- Advertisements --
Nagpasyang maghiwalay ang magkasintahang sina Scott Disick at Sofia Richie.
Ayon sa kampo ng dalawa na sinubukan nilang ayusin pa ang kanilang relasyon subalit hindi na nila ito naayos.
Nagsimula umano ang kanilang hindi pagkakaunawaan mula pa noong Hunyo.
Magugunitang ipinasok sa rehab si Disick dahil umano sa pagiging lulon sa pag-inom sa alak.
Ilan sa mga itinuturong sanhi ng mga pagkakahiwalay ng dalawa ay ang malaking agwat ng edad ng dalawa kung saan mayroong 15 taon ang pagitan nila sa bawat isa.