-- Advertisements --

Inanunsiyo ng rapper na si Snoop Dogg na mayroon siyang ginagawang collaboration na kanta sa sikat na Korean group na BTS.

Sinabi nito noong Enero pa ay nakatanggap na ito ng request sa kampo ng BTS para sa pagsasama nila sa isang kanta.

Noong una ay sinabi nito na kaniyang pag-iisipan muna hanggang umabot na ito ngayong Marso.

Pagtitiyak na magiging maganda ang kumbinasyon ng kanilang kanta dahil sa gumagawa siya ng magandang mga kanta ganun din ay may mga magandang kanta rin ang nasabing grupo.

Bago nito ay nakipag-collaborate na si Snoop Dogg sa girl group na 2NE1 at kabilang din siya sa kanta ng Korean singer na si Psy na “Hangover” na sumikat noong 2014.