-- Advertisements --

Samu’t-saring smuggled na makina sa paggawa ng sigarilyo ang sinira ngayong araw ng Bureau of Customs (BOC) sa Port or Clark.

Kabilang sa mga sinira ng Customs ang pitong makina sa paggawa ng sigarilyo, plastic recycling machine, manual lifter, generator set at generator cooling system na nakumpiska noong Pebrero.

Mayroon ding dalawang set ng cigarette manufacturing machine, isang semi-automatic strapping machines, at plastic shredding facility.

Pati na 145 case ng cigarette master, materyales sa paggawa ng packaging at tax stamps na pare-parehong nasabat noong Marso.