-- Advertisements --

Nakatakdang mag-anunsiyo ngayong linggo ang NBA sa magiging detalye sa gaganaping kontrobersiyal na 2021 All Star Games.

Ang hakbang ng liga ay sa kabila nang mariing pagtutol ng ilang NBA superstars na ‘wag na itong gawin dahil delikado pa ang COVID pandemic at mas makakabuting magpahinga na lang sila dahil sa labis na kapaguran sa sistema ng scheduling.

Pero ayon ilang impormasyon mas lalong pinaiksi ang magaganap na NBA All-Stars sa March 7 sa estado ng Atlanta sa halip na All-Star Weekend.

Imbes na hiwalay na araw ang exciting na slam dunk competitions, ito ay isasama na umano sa half-time ng All-Star Game.

Ilan pa sa diskarte ng NBA, lahat na kalahok na players ay isasakay sa mga private planes, hiwa-hiwalay na private accommodations at malayo sa hotel crowds at agad din silang aalis matapos ang games.