-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos maaresto ng mga pulis dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Zone 3 Barangay Poblacion, Opol, Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Stephen Kyle Sabasaje, nasa hustong gulang at SK chairman ng Sambulawan, El Salvador City.

Sinabi ni Opol Municipal Police Station Commander Major Evary Bacunawa na kanilang napag-alamang nagtutulak ng iligal na droga ang naturang SK chairman dahil sa rebelasyon ng isang pusher na una na nilang nahuli.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang malamang mga otoridad pala ang kanyang katransaksyon.

Nakuha sa kanyang posisyon ang P1,500 na halaga ng pinaniniwalaang shabu.