-- Advertisements --

Ipinagmalaki ngayon ng dalawang Philadelphia Sixers superstars na sina Joel Embiid at James Harden na ibang koponan ang makikita ng mga fans sa papasok na bagong season ng NBA.

Liban sa nagpapalakas ng line up ng Sixers tulad na lamang sa pagkuha nila sa defensive specialist na si PJ Tucker iniukol din ng mga players ang nagpakondisyon nitong kakatapos lamang na summer.

Nagbiro naman si Harden, na dati ring NBA MVP, umabot daw sa 100 pounds ang nabawas sa kanya dahil sa pagda-diet.

Masaya rin si Harden na babalik siya sa paglalaro na wala ng injuries.

Para naman sa dating MVP runner-up na si Embiid, sinabi nito na target nila na maging best defensive team sa liga.

Puspusan daw ang kanilang pagpukos sa ganitong aspeto dahil ito ang magdadala sa kanilang pananagumpay sa bagong NBA season na magsisimula na next month.