Nagtala ng unang panalo ang Washington Wizards na nagtapos ng siya na kalamangan laban sa Charlotte Hornets sa preseason games kanina sa iskor na 116-107.
Nakapagpasok ng 14 points, seven rebounds at three assists ang si Daniel Gafford para sa Wizards.
Habang nasayang naman ang ipinuntos ni Terry Rozier na 24 points, three rebounds at two assists dahil hindi pa rin nila nakuha ang panalo.
Ang panalo ng Wizards ay kahit hindi naglaro ang kanilang superstar na si Bradley Beal bunsod na ito ay naka-quarantine pa.
Sa ibang game, binigo naman ng Philadelphia 76ers ang Cleveland Cavaliers sa kabuuang iskor na 113-97.
Nakakuha ng ten points, five rebounds at four assists si Shake Milton na naging isa sa dahilan para masungkit nila ang ikatlong sunod na panalo.
Dumiskarte naman ang Cavaliers at si Jarret Allen ng 19 points, 12 rebounds at one block ngunit bokya pa rin sa ikalawang talo.
Samantala wagi rin naman ang Miami Heat sa ikatlong pagkakataon kontra sa katunggali nitong Houston Rockets sa iskor na 118-110. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)