-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Halos balik na sa normal ang sitwasyon sa South Korea dahil sa unti-unti nang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Anne Campos, OFW mula sa South Korea, sinabi nitong panatag ang mga mamamayan doon dahil maigting ang ipinapatupad na precautionary measures sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan ay nakakalabas na raw sila sa kani-kanilang mga bahay matapos na alisin na ang lockdown.

Samantala, sinabi rin ito na maayos naman ang kalagayan ng mga Pinoy sa South Korea dahil tuloy pa rin naman ang trabaho ng mga ito.

Hindi rin aniya nagkukulang ang pamahalaan ng South Korea sa pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipino tulad nang pagpapaabot ng pagkain.


Bukod dito ay hindi rin aniya nagpapababaya ang embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga OFWs doon dahil sinisigurong maayos ang kanilang kalagayan at trabaho.