-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Balik na sa normal ang sitwasyon sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).
Ito ay matapos ang sinara ang akademya sa mga turista noong nakaraang weekend dahil sa pagkasawi ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio bilang tugon sa apela ng pamilya ng nasawing plebo.
Gayunman, mula kahapon ay bumalik na ang sigla sa loob ng PMA dahil muling pinahintulutan ang pagpasok doon ng mga turista.
Kasabay ito ng isinagawang testimonial parade para kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa PMA, kung saan, malayang napanood ng mga bisita ang aktibidad.
Nagpapatuloy ang mahigpit na inspeksiyon sa mga bumibisita sa akademya.










