-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Humingi na ng paumanhin si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kapwa Pilipina nitong kasambahay matapos niya ito pagmalupitan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal, umapela ang naturang OFW na huwag na lamang isapubliko ang kanyang pangalan, pero kinumpirma naman ang paghingi sa kanya ng sorry ni Mauro.
Napatawad na raw niya si Mauro, subalit ikinagulat naman ang naging desisyon ng Department of Foreign Affairs na sibakin ang naturang opisyal kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng kagawaran.
Nagpaabot naman din ito ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahilsa paglagda sa rekomendasyon na perpetual dismissal at pagtanggal sa lahat ng benepisyo ni Mauro.