-- Advertisements --

Magsisimula ng ipatupad ang pagtataas sa singil ng tubig ngayong buwan ng Enero hanggang sa susunod na limang taon para mabayaran ang mga nagastos sa pagpapaganda ng serbisyo ng water concessionaires.
Magkakaroon ng karagdagang P8.04/m3 sa babayarin sa tubig ng mga seniserbisyuhan ng Manila Water simula ngayong buwan na inaasahang magtatas pa hanggang sa umabot sa P20.37 sa taong 2027.
Kayat ang mga komokonsumo ng 20 cubic meters ay magbabayad ng P425.
Sa mga siniserbisyuhan naman ng Maynilad, may karagdagang P3.29/m3 singil sa tubig hanggang sa umabot sa P13.69 sa taong 2027.
Kayat ang mg komokonsumo ng 20 cubic meters ay magbabayad ng P509.11.










