Tataas ngayong buwan ang mga singil ng Meralco dahil sa mas mataas na generation charge, na nagtatapos sa dalawang sunod na buwan ng pagbabawas ng rate para sa higit sa 7.7 milyong mga customers.
Sinabi ng Meralco na ang kabuuang rate para sa isang tipikal na sambahayan ngayong Setyembre ay tumaas ng P0.5 kada kilowatt-hour, sa P11.3 kada kwh mula sa P10.8 kada kwh noong nakaraang buwan.
Ang adjustment ay katumbas ng pagtaas ng humigit-kumulang P100 sa kabuuang singil sa kuryente ng mga residential customer na kumukonsumo ng 200 kwh, P150 para sa mga kumokonsumo ng 300 kwh, at P200 para sa 400 kwh.
Ayon kay Meralco Vice President of Corporate Communication, Joe Zaldarriaga, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang generation cost, na tumaas ng 43 centavos kada kilowatt-hour.
Gayundin aniya, ag paghina ng piso ng Pilipinas laban sa US dollar ay isa ring contributory factor dahil malaking bahagi ng power producers ang dollar-denominated.
Sinabi ng Meralco na ang generation charge para sa Setyembre ay tumaas sa P6.8 kada kwh mula sa P6.3 kada kwh noong nakaraang buwan bilang resulta ng mas mataas na gastos mula sa power supply agreements (PSAs) at independent power producers (IPPs).