-- Advertisements --

Aminado si Yeng Constantino na hindi nito matutupad ang kasabihan na anim na buwan hanggang dalawang taon ay makaka-move on na ito sa pagpanaw ng minamahal.

Pahayag ito ng 32-year-old singer kasabay ng pagbunyag na tinamaan pala siya ng Coronavirus Diseas 2019 (COVID-19) na sinundan pa ng pagkamatay ng kanyang ina.

Ayon kay Yeng o Josephine Eusebio sa tunay na buhay, mayroon siyang mga naranasang sintomas habang ang kanyang asawa ay asymptomatic.

Kanya pa nga raw itinago noong una sa asawa ang mga nararamdaman upang huwag mag-alala kung saan kanyang idinaan sa pagtulog ng 16 hours bawat araw upang makabawi ng lakas.

“Pero habang lumilipas ang mga araw at nagkakaroon ako ng ibang symptoms, nawalan ako ng pang-amoy, ‘yung panlasa ko pumutla, doon mas nag-sink sa akin na may COVID nga ako. The scariest part for me is ‘yung nagsimula na akong mahirapan huminga,” saad nito sa kanyang video blog.

Sa ngayon ay bakas kay Yeng ang pangungulila pa rin sa ina na sumakabilang-buhay dahil sa lumalang karamdaman.

Kabilang sa kanyang mga hit songs ay “Hawak Kamay,” “Cool Off,” “Salamat,” “Ikaw,” at iba pa.