-- Advertisements --

Nahaharap sa panibagong tax evasion ang singer na si Shakira.

Ayon sa prosecutors ng Spain na niloko umano ng singer ang gobyerno ng nasa $7.1 milyon na tax noong 2018.

Nangyari umano ito ng bigong magdeklara ang singer na milyon ang kaniyang nakuhang advance payments para sa kaniyang El Dorado World Tour.

Sinabi naman ng kampo ng singer nasa Miami na wala pa silang natatanggap ng panibagong reklamo.

Naghahanda sila ngayon sa pagdinig ng tax evasion case noong 2012-14 na magsisimula ang pagdinig sa Nobyembre 20.

Sa nasabing kaso ay nahaharap ang singer ng anim na hiwalay na tax crimes sa Barcelona na mariin naman nitong pinabulaanan ang kaso.