-- Advertisements --

Napiling magtanghal sa White House State Dinner para kay South Korean president Yoon Suk-yeol si Filipina international singer Lea Salonga.

Makakasama nitong magtanghal sina Norm Lewis at Jessica Vosk.

Ilan din sa mga napiling magtanghal ay sina Demi Lovato, Ne-Yo, Sara Bareillies at iba pa.

Sa kaniyang social media account ay hindi maitago ni Lea Salonga ang kaniyang kasabikan sa pagtanghal.